Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

🎓 163 Bright PoraqueƱos, Pinarangalan ng Porac LGU! 💚

Sa ilalim ng Youth Excellence Program ng Porac LGU, iginawad ang cash incentives at pagkilala sa 163 PoraqueƱo students na nagtapos na Cum Laude, Magna Cum Laude at Summa Cum Laude bilang pagkilala sa kanilang sipag at dedikasyon sa pag-aaral.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Jen ang kahalagahan ng pagtataguyod ng Culture of Excellence sa ating bayan, hindi lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa paglilingkod sa ating mga mamamayan.

Ibinahagi rin niya na ang pangarap natin ay hindi lamang paramihin ang mga kabataang nagtatapos na may Latin honors, kundi tiyakin na bawat batang PoraqueƱo, anuman ang kalagayan sa buhay, ay may pagkakataon at oportunidad na maabot ang kanilang mga pangarap at magtagumpay.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Jing Capil, katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na palakasin ang suporta sa edukasyon at kilalanin ang kahusayan ng mga kabataang PoraqueƱo.

Kasama rin sa awarding ang Committee Chair on Education Councilor Francis Tamayo at LYDO Officer Ms. Sarah Salvador.

 
 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CN8UUnhvs/

 

Official Website of Municipality of Porac