Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Masidhing panalangin ang panawagan ni Porac Mayor Jaime “Jing” Capil mula sa kanyang mga taga suporta upang malampasan ang mga hamon sa kanyang ikatlong termino at pagbabalik bilang alkalde mula sa 10 buwang pagkakasuspendi.
Bukod sa panalangin, sa ngayon patuloy pa rin umano ang ginagwa ng legal team ni Capil kaugnay ng mga ipinupukol na kaso laban sa alkalde.
Bagaman opisyal ng nakabalik sa tungkulin, walang sawang pasasalamat pa rin ang ipinapaabot ni Capil sa lahat ng sumuporta sa kanya at sa kanyang anak ni si Vice Mayor Jen Capil sa nagdaang halalan.
Susuklian umano nila ito ng serbisyo na matino, mahusay at may takot sa Diyos.

CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1BnJYjn7zF/

Official Website of Municipality of Porac