Matapos ang insidente ng pagbaha sa Barangay Cangatba kahapon, agad na inatasan ni Mayor Jing Capil ang pagsasagawa ng declogging operations sa mga creek at kanal, partikular sa Barangay Babo Sacan-Cangatba Section.
Layon ng hakbang na ito na mapabilis ang daloy ng tubig-ulan at maiwasan ang muling pag-apaw na maaaring magdulot ng panganib sa mga residente. Patuloy ang isinasagawang paglilinis ng mga daluyan bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya para sa kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1SutT9Ykfp/



