Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Youth Summer Festival 2026 – Abril 24, 2026

Matagumpay nating isinagawa ang Culminating Activity ng ating kauna-unahang Youth Sports Clinic, isang grassroots sports program na naglalayong ipakilala at ilapit ang iba’t ibang larangan ng sports sa ating mga Kabataang Poraquenian.
Taos-puso rin po nating pinapasalamatan ang lahat ng sumuporta at nagsikap upang maisakatuparan ang programang ito, sa ating mga coaches, host schools, at mga barangay na naging katuwang sa tagumpay ng ating Youth Sports Clinic.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Municipal Youth Development Office, sa pangunguna ni Ms. Sarah Mae Alonzo-Salvador, sa patuloy na pagbibigay ng mga makabuluhang programa para sa ating mga kabataan.
Patuloy nating bubuksan ang mas maraming oportunidad para sa ating mga kabataan at tutulungan silang maabot ang kanilang buong potensyal. Pangarap natin na balang araw ay makilala ang ating bayan bilang tahanan ng mga dekalidad na atleta.
Mabuhay ang Kabataang Poraquenian!
#vmjen
#mayorjvc
#MasBayungPorac

CLICK HEREhttps://www.facebook.com/share/p/1brHYJFmgk/:

Official Website of Municipality of Porac