Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

460 BARANGAY TANOD NG PORAC, TUMANGGAP NG CASH ASSISTANCE AT BIGAS!

Muling bumisita sa Bayan ng Porac si Vice Governor Dennis “Delta” Pineda kasama si BM Fritzie David – Dizon, na masayang sinalubong nina Mayor Jaime “Jing” Capil at Vice Mayor Jen Capil para sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer sa 460 barangay tanod ng bayan.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱5,400 na cash assistance at 25 kilo ng bigas bilang tulong at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kani-kanilang mga barangay.
Patuloy ang pagkakaisa ng pamahalaang panlalawigan at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga programang nagbibigay-suporta at malasakit sa mga lingkod-bayan at mamamayan ng Porac.
 
 
Official Website of Municipality of Porac