Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

ABOT-KAMAY NA SERBISYONG LEGAL PARA SA BAYUNG PORAC

Handog ng Pampanga State University School of Law – Legal Aid Clinic kaagapay ang Philippine Statistics Authority, Integrated Bar of the Philippines, at Public Attorney’s Office sa Abril 11, 2026 (7am–12nn) gaganapin sa Lapid Sports and Cultural Center (New Municipal Hall Compound).

Libreng Legal Advice, Notarial Service, PSA Services, PhilSys National ID, at Civil Registration para sa mga Poraqueño!

Narito po ang mga serbisyong maaari ninyong makuha:

✅ Libreng Legal na Payo
Libreng konsultasyon sa mga abogado mula IBP Pampanga para sa mga usaping may kinalaman sa pamilya, lupa, utang, kontrata, at iba pang legal na suliranin. Layunin nitong gabayan ang mamamayan sa katarungang karapatan at tamang hakbang na dapat gawin.

✅ Libreng Notaryo
Available ang libreng notaryo mula sa Public Attorney’s Office para sa mga simpleng affidavit at hindi komplikadong dokumento, karaniwang kinakailangan sa mga proseso tulad ng administrative correction ng pangalan (hal. typographical error). Mangyaring magdala ng valid ID at iba pang kaukulang supporting documents.

✅ PhilSys ID Assistance – [FULL]
Sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority, magkakaroon ng registration, biometric capturing, printing, at status verification ng PhilSys National ID. Kinakailangan magdala rin ng valid ID.

✅ PSA Documents Assistance – [FULL]
Isinasagawa sa tulong ng Philippine Statistics Authority ang pagproseso ng mga kahilingan para sa Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR. Kinakailangan magdala rin ng valid ID.

First 100 pre-registration, i-click lamang po ang link: https://forms.gle/3NKEmiE9V5gRvfhLA

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18czBRs4a4/

Official Website of Municipality of Porac