ADVISORY No. 2024-512
Ang Lokal na Pamahalaan ng Porac, Pampanga ay buong pusong sumusuporta sa inisyatiba ng NEDA na malaman ang saloobin ng bawat Pilipino tungkol sa part-time na trabaho.
Sa lahat ng mga Poraqueño, inaanyayahan namin kayong makilahok at magbahagi ng inyong opinyon sa pamamagitan ng survey na ito: bit.ly/Survey_Part-Time hanggang ika-12 ng Hulyo, 2024.
Para sa karagdagang impormasyon at mas malalim na pag-unawa, bisitahin ang TPB Act dito: tinyurl.com/TPB-Act
Ang inyong opinyon ay mahalaga at magiging malaking tulong sa ating hangaring magkaroon ng matatag, maginhawa, at panatag na pamumuhay para sa lahat.