Agarang nasolusyonan ang natumbang poste sa Cangatba, tapat ng Danono’s Doughnuts, upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa kalsada.
Ngayong araw, personal na nagsagawa ng inspeksyon sina Vice Mayor at Acting Mayor Jen Capil, Municipal Engineer Glenn Lansangan, Konsehal Papay Careon, at ang Barangay Council ng Cangatba — patunay ng mabilis at maagap na pagtugon ng Administrasyong Bayung Porac para sa kapakanan ng mamamayan.
Kasalukuyan na ring inaaral ang pagtanggal ng spaghetti wires upang higit pang maisaayos at mapaganda ang linya ng kuryente at komunikasyon sa lugar.
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1GDZxKmjA4/



