Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

AGARANG PAGKILOS NI MAYOR JING CAPIL PARA SA MANCATIAN BRIDGE


Agarang kumilos si Mayor Jing Capil upang tugunan ang concern ng isang netizen kaugnay sa sitwasyon at kondisyon ng Mancatian Bridge. Kaagad niyang sinulatan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa nasabing tulay.
Bilang bahagi ng kanyang malasakit at pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan, personal din niyang binisita at ininspeksyon ang tulay, kasama sina Vice Mayor Jen Capil, Municipal Engineer Glenn Lansangan at Engr. Gino Ocampo ng Engineering Dept. DPWH 2nd District.
“Hindi natin hahayaan na maging banta sa kaligtasan ng ating mga kababayan ang anumang imprastruktura. Sisiguraduhin natin na ito ay maayos at ligtas para sa lahat ng dumadaan,” pahayag ni Mayor Jing Capil.
#MayorJingCapil
#vicemayorjencapil
#BayungPorac

CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/1GaaN2ZNwC/

Official Website of Municipality of Porac