Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

AN OPEN LETTER TO REY GAMBOA

Dear Mr. Gamboa,
Amin pong ikinagulat ang inyong mga naging pahayag at saloobin sa publiko gamit ang inyong Facebook account patungkol sa sinasabi nyong “other” side of the story ukol sa inyong pagtakbo sa halalan. Unang-una po wala pong other side kasi this is the only time na magbibigay po kami ng paliwanag sa nangyari. Lahat po ng inyong pinakinggan ay pawang speculations lamang, sa madaling salita “TSISMIS”.
Bagamat gusto sana namin maging pribado ukol sa mga totoong kaganapan upang protektahan ang inyong imahe, pagbigyan nyo rin po kaming mapaliwanagan ang taong bayan.
Kami po sa Team Bayung Porac ay bukas ka namin tinanggap dahil pirmi po kaming bukas gaya ng karakter at liderato ng aming Mayor Jing na pirming bukas sa lahat ng nais na tumulong sa ating bayan, maging mayaman man o mahirap, kakampi o katunggali sa politika o kahit na mga personal pang umatake at bumatikos sa kanya. Kami ay namumuhay sa prinsipyo ng bukas loob sa pakikinig sa lahat ng panig alang alang ng ikauunlad ng ating Porac.
Kayo po ay kusang lumapit sa amin sa kagustuhang tumakbo sa darating na halalan. Simula pa lamang po maliwanag na pinabatid po namin sa inyo at sa inyong kampo na kayo ay tinanggap naming bilang Kandidato para Konsehal ng Sanggunian Bayan. Kayo po ay aming nakasama na sa lahat ng Pagpupulong, Team Trainings, Political Lectures at Lahat ng Events. Kayo po ay aming pinakikilala bilang aming magiging Konsehal.
Hindi naman po lingid sa aming kaalaman na bagamat kami ay malinaw sa pagkuha sa inyo bilang Konsehal, kayo po at sampu ng mga nakapaligid sa inyo ay nangampanya na bilang Vice Mayor. Gayunpaman lagi po namin kayong maingat na pinaaalalahanan na magpakilala bilang Konsehal.
Sa sinasabi nyo pong kabastusan na inyong naranasan. Ang katotohanan po nito at huwag nyo pong itanggi, kayo at ang inyong mga Tagasunod ay nagpaparating ng Panggigipit at Panghohostage na kung di po namin kayo kukunin na Vice Mayor, KAYO AY LILIPAT SA KABILA AT KAMI AY IIWAN. Kahit ganun man po ang ginawa ng inyong kampo sa amin, kami po sa paggabay ni Mayor Jing ay naging tahimik sa kabastusan na nangyari.
Ang Team Bayung Porac po ay nagFile ng aming Kandidatura sa huling araw ng October 8. Taliwas po sa inyong mga naging pahayag sa publiko, kayo po ang siyang nauna na tumiwalag sa aming grupo ng walang pasabi BAGO PA MAN PO KAMI MAGSULONG NG FINAL LINE-UP. Katunayan nga po nito, NAUNA NAPO KAYO NAGFILE ng inyong kandidatura noong October 7 sa panig ng Team CD na aming ikinabigla. Gayunpaman, minabuti namin sana na manahimik na lamang dahil ayaw naming manira ng dati naming kasama na tumalikod sa amin. Kaya kami ay lubos na nabigla sa inyong mga naging aksyon at pahayag na pawang walang katotohanan.
Sa Dulo, Mr. Gamboa, tayo naman po ay namumuhay sa malayang pamayanan. Ganun man ang nangyari sa atin, iginagalang po namin ang inyong pagpiling tumakbo sa ilalim ng Team CD. Bilang naging bahagi ng Team Bayung Porac, kami pa rin po ay naghahangad ng mabuti sa inyong pagtakbo bilang Konsehal.
Sana po ay maliwanagan kayo at ang taong bayan sa mga naging pangyayari. Hangad po nating lahat na ang ating bayan ay mapagsilbihan ng MATINO, MAHUSAY AT MAY TAKOT SA DYOS NA MGA PINUNO.
God bless Bayung Porac.
Lubos na gumagalang,
Team Bayung Porac

Official Website of Municipality of Porac