APRIL 06, 2026- FLAG RAISING CEREMONY
Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng Municipal Health Office, kung saan inilahad ang kanilang mga pangunahing programa, inisyatiba, at accomplishment report na patunay ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Porac.
Dinaluhan ang gawain nina Acting Mayor Hon. Jen Capil, Acting Vice Mayor Hon. Rafael Canlapan, SB Member Hon. Adrian Carreon, ABC President Hon. Joel Capil, IPMR Hon. Norman King, kasama ang mga kawani ng pamahalaang bayan at mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan—isang patunay ng pagkakaisa tungo sa mas maayos at inklusibong pamamahala.
Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Acting Mayor Jen Capil sa lahat ng kawani ng pamahalaan sa kanilang dedikasyon na nagbigay-daan sa mapayapa at makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw. Kanyang kinilala ang mahalagang papel ng Municipal Health Office sa patuloy na paghahatid ng dekalidad, accessible, at people-centered na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Poraqueño.
Bilang bahagi ng pagpapalakas ng health system ng lokal na pamahalaan, ibinahagi niya ang planong pagpapatayo ng Super RHU sa Porac at RHU I na matatagpuan sa tabi ng munisipyo isang malaking hakbang tungo sa mas pinalawak at mas episyenteng serbisyong medikal para sa komunidad.
Hinikayat din niya ang lahat na maging proactive sa pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng regular na pagpapatingin sa doktor at pag-enroll sa PhilHealth. Binigyang-diin ang kahalagahan ng PhilHealth Konsulta (Yakap) program, na nagsisiguro ng mas abot-kaya, accessible, at tuloy-tuloy na serbisyong medikal—sapagkat sa Bayung Porac, walang maiiwan, at bawat buhay ay mahalaga.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1BHdQkMVQM/









