Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

APRIL 20, 2026- FLAG RAISING CEREMONY

Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng Local Youth Development Office (LYDO) at Municipal Population Office (MPO), kung saan inilahad ang kanilang mga pangunahing programa, inisyatiba, at accomplishment report.
Dinaluhan ito nina Acting Municipal Mayor Hon. Jen Capil , Acting Municipal Vice Mayor Hon. Rafael Canlapan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama sina Hon. Maynard Lapid, Hon. Atty. Princess Buan, ABC President Hon. Joel Capil, IPMR Hon. Norman King, at mga kawani ng LGU.
Sa mensahe ni Acting Mayor Jen Capil, pinasalamatan niya ang Land Bank of the Philippines sa pagbubukas ng tanggapan nito sa Munisipyo ng Porac, na magpapalapit ng serbisyong pinansyal sa mamamayan. Ibinahagi rin niya ang pagdami ng mga bagong negosyo sa bayan bilang patunay ng patuloy na pag-unlad.
Kinilala rin ang LYDO/MPO sa pangunguna ni OIC Mrs. Sarah Mae F. Alonzo-Salvador para sa kanilang mga natanggap na parangal. Hinikayat ng Punong Bayan ang lahat ng opisina na magpatuloy sa mahusay na paglilingkod at magsikap makamit ang kaparehong pagkilala.
Walang maiiwan, sama-sama sa yapak ng progreso ng Bayung Porac.
#VMJenC
#mayorjvc
#MasBayungPorac

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CHbWtRNDz/

Official Website of Municipality of Porac