APRIL 27, 2026 – FLAG RAISING CEREMONY
Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng Municipal Agricultural Services Office (MASO), kung saan inilahad ang kanilang mga pangunahing programa, inisyatiba, at accomplishment report.
Dinaluhan ito nina Acting Municipal Mayor Hon. Trisha Angelie G. Capil, Acting Municipal Vice Mayor Hon. Rafael Canlapan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga kawani ng LGU.
Bahagi rin ng programa ang pagbibigay parangal sa mga Kabataang Poracqueño sa ilalim ng Local Youth Development Office na nagbigay karangalan sa bayan ng Porac. Kabilang dito ang pagkamit ng Silver Medal sa Basketball ng mga atleta mula sa Manibaug Paralaya Elementary School at Calzadang Bayu Elementary School sa kanilang paglahok sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA).
Pinarangalan din ang Pulung Santol National High School sa kanilang mga natamong parangal sa National Schools Press Conference (NSPC) 2026, kabilang ang 3rd Place Best TV Production, 3rd Place Best Technical Application, 4th Place Best Script, at 1st Place Best in Developmental Communication sa buong bansa.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Acting Mayor Jen Capil ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa Porac. Kinilala rin niya ang iba’t ibang tanggapan tulad ng DRRMO para sa matagumpay na Summer Camp na nagbigay ng First Aid Training at Basic Life Support, ang MSWDO para sa matagumpay na Solo Parents Culminating Activity, at ang LYDO para sa matagumpay na Youth Sports Clinic.
Sa pagkakaloob ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at Department of Agriculture Regional Field Office III, mayroong bagong Tractor at Harvester na magagamit ang bayan ng Porac.
Sa Bayung Porac, walang maiiwan, sama-sama at tuloy-tuloy ang pagunlad at pagasenso.
#VMJenC
#mayorjvc
#MasBayungPorac
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/17fYQsy47r/









