Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

ATM: Pinag-iingat ang lahat ng mapapadaan sa Porac-Angeles Road sa bahagi ng Barangay Cangatba malapit sa Porac Public Cemetery.

ATM
Pinag-iingat ang lahat ng mapapadaan sa Porac-Angeles Road sa bahagi ng Barangay Cangatba malapit sa Porac Public Cemetery. Kasalukuyang nagaganap ang isang brush fire na masigasig na inaapula ng Bureau of Fire Porac at ng Porac Public Order and Safety Office Task Force.

Sundin ang mga babalang pang-trapiko ng ating PTEMO dahil maaring makaranas ng zero visibility dahil sa makapal na usok. Mag-ingat po ang lahat sa pagmamaneho at pagtahak sa naturang daan.

Official Website of Municipality of Porac