Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Bagong Parking and Routing Scheme dito sa Palengke ng Cangatba


Sa utos ni Mayor Jaime ‘Jing’ V. Capil pinulong ng Public Order and Safety Office – sa panguguna ni Mr. Arwin Gomez kasama sina Engr. Glenn Lansangan – Municipal Engineer, Ms. Gem Marimla – Porac Tourism, Mr. Robert Canlas – Private Secretary II at Kap. Vincent Lusung ng Barangay Cangatba ang mga Porac Transport Groups – Presidents and Porac Public Market Vendors Association.
Ito ay para sa gagawing bagong Parking and Routing Scheme dito sa Palengke ng Cangatba bilang paghahanda sa gagawing ruta para mapagaan at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa palengke.
Makatutulong din ito sa ating mga mamimili at mga pasahero para mas masunod ang mga minimum health standards at pag-iingat laban sa Covid-19 virus.

Official Website of Municipality of Porac