Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

BAYAN NG PORAC | INSPEKSYON AT AGARANG AKSYON

Lunes, Nobyembre 10, 2025 — Personal na nagsagawa ng inspection si Mayor Jing Capil kasama sina Vice Mayor Jen Capil, Councilor Adrian “Papay” Carreon, Engr. Glenn Lansangan, at Francis Caligagan upang masuri ang kalagayan ng Porac River matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.
Agarang iniutos ni Mayor Capil ang pagkukumpuni sa mga nasirang estruktura at ang malawakang paglilinis ng mga kalsada, kabilang ang pagtanggal ng mga nahulog na puno at poste upang maibalik ang maayos na daloy ng trapiko at mapanumbalik ang supply ng kuryente sa mga apektadong Poraqueño.
Patuloy ang Serbisyong Bayung Porac!
#MayorJingCapil
#VMjenC
#BayungPorac
#uwan

click here;https://www.facebook.com/share/p/1Mp1Jeu6qv/

Official Website of Municipality of Porac