Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Bayung Porac Mini Park sa Brgy. Manibaug Libutad


TINGNAN: Binisita ni Mayor Jing Capil ang paglalagay ng mga karagdagang life size Dinosaurs (Walking T-Rex at Brachiosaurus) sa Bayung Porac Mini Park sa Brgy. Manibaug Libutad. Matatandaan na dati lamang isang bakanteng lupa ang nasabing lugar at sa loob ng dalawang taon ay napagtulungan ng mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan ang pagpapaganda na ngayon ay nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng mamayan at lokal na pamahalaan. Ang mga dinosaur na inilagay sa nasabing park ay donasyon ng isang indibwal na buong buo ang suporta sa Bayung Porac. Bubuksan ang Park sa publiko kapag naging maayos na ang sitwasyon sa bayan kaya pinapayuhan na maging maingat ang lahat at sumunod sa mga tagubilin ng lokal na pamahalaan.

Official Website of Municipality of Porac