Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Committee Hearing ng Sangguniang Panlalawigan


Kuha mula sa katatapos na Committee Hearing ng Sangguniang Panlalawigan na dinaluhan ng ating Mayor JVC, Gov. Dennis Pineda, Vice Gov. Lilia “Nanay Baby” Pineda, Members ng Committee on Human Resource, at ilang Miyembro ng Sangguniang Panglalawigan kasama ang Provincial Director ng DILG at CSC, Municipal Budget Officer, Municipal Accountant at HRMO at mga Miyembro ng Sanggunian Bayan ng Porac.
Isa sa mga naipaliwanag at kinatigan ng mga Opisyal na dumalo sa naturang hearing ang pagkilala sa SOLE Authority ng Local Chief Executive sa pagdetermine ng mga “essential” sa operations ng Reenacted Budget na matagal ng pinapaunawa sa mga ilang miyembro ng SB ng Porac na patuloy na sumasalungat sa Batas at mga Alituntunin ng Office of the Mayor.
Matatandaang nag-ugat ang naturang mga isyu dala ng sapilitang pagpasa ng mga ilang miyembro ng SB ng Porac sa bersyon ng 2021 budget na salungat sa proseso ng batas at kung saan ang kapangyarihan na magVeto ay ginamit ng ating Punong Bayan upang maprotektahan ang kaban ng bayan.
Sa Hearing, malugod na inunawa ni Mayor Jing Capil ang kalagayan ng mga apektadong indibidwal na sya ring biktima ng maling sistema na nakasanayan na sa munisipyo na ngayon ay kanyang itinutuwid bagkus sya man ay nahihirapan.
Ipinabatid ni Mayor Jing na bukas lagi ang kanyang opisina para mapagusapan at ituwid ang mga maling kalakaran na nararanasan ng munisipyo sa mga nagdaang taon at naninindigan na sya ay magiging daan tungo sa isang matino, mahusay, malinis na panununugkulan sa Bayung Porac.

Official Website of Municipality of Porac