CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Case as of October 6, 2020

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Martes (October 6, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

WALA po tayong naitalang kaso na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa reporting period sa araw na ito.

Samantala, nakapagtala tayo ng isang (1) recovery sa Bgy Babo Sacan.
___________________________________
Sa kabuuan, meron pa din tayong 123 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t isa (31) sa mga ito ay active cases samantalang walumpu’t pito (87) ay nakarecover na at lima (5) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na 123 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto, 57 noong Setyembre at 11 ngayong Oktubre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!