CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Case as of September 30, 2020

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (September 30, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Tatlong (3) kababayan natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19. Isa (1) sa Bgy Calzadang Bayu at dalawa (2) sa Bgy Pulong Santol.

Samantala, wala tayong naitalang recoveries sa araw na ito.
_________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Maximo Bungque (Calzadang Bayu) at Hon Elmer Laxa (Pulong Santol) , naisolate na ang bahagi ng mga apektadong barangay kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, meron tayong 112 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t pito (37) sa mga ito ay active cases samantalang pitumpu’t isa (71) ay nakarecover na at apat (4) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na 109 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto at 57 ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!