Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Covid-19 Case update (September 18, 2020)

Isang mapagpalang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Biyernes (September 18, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Apat (4) na kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID 19. Isa (1) sa Bgy Hacienda Dolores, dalawa (2) sa Bgy Manibaug Paralaya, at isa (1) sa Bgy Babo Pangulo.

Malungkot din po namin ibalita na may isa tayong kabalen na nasawi dahil sa lung complications na dulot ng COVID-19. Lubos po kaming nakikiramay sa pamilya.
__________________________________
NAKAPAGTALA NAMAN TAYO NG ISANG (1) RECOVERY sa Bgy Jalung.
_________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Eron Tolentino (Hacienda Dolores), Hon Adrian Carreon (Manibaug Paralaya) at Hon Bernie Caligagan (Babo Pangulo), naisolate na ang mga bahagi ng mga apektadong barangay kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, meron na tayong walumpu’t siyam (89) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t isa (31) sa mga ito ay active cases samantalang limampu’t lima (55) ay nakarecover na at tatlo (3) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na walumpu’t limang (85) kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at tatlumpu’t apat (34) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Official Website of Municipality of Porac