CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Case update (September 21, 2020)

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Lunes (September 21, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

WALA (0) po tayong naitalang kaso na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa reporting period sa araw na ito.
__________________________________
NAKAPAGTALA NAMAN TAYO NG ISANG (1) RECOVERY sa Bgy Cangatba.
____________________________________
Sa kabuuan, meron pa rin tayong siyamnapu’t limang (95) kaso na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t isa (31) sa mga ito ay active cases samantalang animnapu’t (61) ay nakarecover na at tatlo (3) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na siyamnapu’t limang (95) kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at apatnapu (40) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!