CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Covid-19 Cases in Porac as of December 14, 2020

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Lunes (December 14, 2020) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Walang (0) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19.

Samantala, isang (1) kabalen natin sa Bgy Manibaug Paralaya ang nadagdag sa mga nakarecover.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 256 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Dalawampu (20) sa mga ito ay active cases (8%) samantalang 222 ay nakarecover na (87%) at 14 ang nasawi (5%). Sa kabuuang bilang na 256 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto, 57 noong Setyembre, 63 noong Oktubre, 62 noong Nobyembre at 19 ngayong Disyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📸 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Porac