Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Covid-19 Cases in Porac as of December 15, 2020

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Martes (December 15, 2020) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Isang (1) kabalen natin sa Bgy Senora ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19.

Samantala, walang (0) kabalen ang nadagdag sa mga nakarecover.
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captain ng apektadong barangay/komunidad, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Hon Renato Pineda, naisolate na ang bahagi ng apektadong barangay/komunidad kung saan nakatira ang pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 257 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Dalawampu’t isa (21) sa mga ito ay active cases (8%) samantalang 222 ay nakarecover na (87%) at 14 ang nasawi (5%). Sa kabuuang bilang na 257 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto, 57 noong Setyembre, 63 noong Oktubre, 62 noong Nobyembre at 20 ngayong Disyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📸 Porac Covid-19 Updates

Official Website of Municipality of Porac