CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Cases in Porac as of Febuary 16, 2020

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Martes (February 16, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Walang (0) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa reporting period sa araw na ito.
Samantala, wala (0) din kabalen natin ang nadagdag sa mga nakarecover. ___________________________________
Sa kabuuan, merong 321 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Labing-anim (16) sa mga ito ay active cases (5%) samantalang 280 ay nakarecover na (87%) at 25 ang nasawi (8%). Sa kabuuang bilang na 321 na kaso, 272 sa mga ito ay naitala mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2020 at 35 noong Enero 2021 at 14 ngayong Pebrero 2021.
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante).
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

 

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Porac