CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Cases in Porac as of January 19, 2020

Isang ligtas na hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Martes (January 19, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Dalawang (2) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19. Isa (1) sa Bgy Cangatba at isa (1) sa Bgy Pias.

Malungkot din naming ibalita na dalawa (2) ang nasawi. Kami po ay nakikiramay sa mga pamilyang naulila.

Samantala, isang (1) kabalen natin sa Bgy Sepung Bulaon ang nadagdag sa mga nakarecover.
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay/komunidad, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno ni Hon Paul Vincent Lusung (Cangatba) at Hon Noel Manalo (Pias) , naisolate na ang bahagi ng mga apektadong barangay/komunidad kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 295 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Labing-walo (18) sa mga ito ay active cases (6%) samantalang 254 ay nakarecover na (86%) at 23 ang nasawi (8%). Sa kabuuang bilang na 295 na kaso, 272 sa mga ito ay naitala mula Marso 2020 hanggang Disyembre 2020 at 23 ngayong Enero 2021.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📸 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Porac