
Covid-19 Cases in Porac as of January 6, 2020
Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (January 6, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Isang (1) kabalen natin sa Bgy Pulong Santol ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19.
Nalulungkot po namin iulat na tatlong (3) kabalen ang nasawi. Kami po ay nakikiramay sa mga pamilyang naulila.
Samantala, tatlong (3) kabalen natin ang nadagdag sa mga nakarecover. Isa (1) sa Bgy Hacienda Dolores, isa (1) sa Bgy Manibaug Paralaya at isa (1) sa Bgy Mitla Proper.
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:
1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.
2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captain ng apektadong barangay/komunidad, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa kasong ito.
3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno ni Hon Elmer Laxa, naisolate na ang bahagi ng apektadong barangay/komunidad kung saan nakatira ang pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 276 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Labing-isa (11) sa mga ito ay active cases (4%) samantalang 246 ay nakarecover na (89%) at 19 ang nasawi (7%). Sa kabuuang bilang na 276 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso 2020, 3 noong Abril 2020, 1 noong Mayo 2020, 3 noong Hulyo 2020, 47 noong Agosto 2020, 57 noong Setyembre 2020, 63 noong Oktubre 2020, 62 noong Nobyembre 2020, 35 noong Disyembre 2020 at 4 ngayong Enero 2021.
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.