
Covid-19 Cases in Porac as of May 02, 2020
Magandang gabi mga kabalen! Nais po namin humingi ng paumanhin sa hindi namin pagupdate kahapon, May 2, 2021(Linggo) for some validation issues.
Narito ang aming update sa inyo ngayong Lunes (May 3, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Isang (1) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19.
Malungkot din namin ibalita na isa (1) ang nasawi. Kami po ay taos-puso na nakikiramay sa pamilya ng naulila.
Samantala, pitonv (7) na kabalen natin ang nadagdag sa mga gumaling at nakarecover!
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:
1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.
2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay/komunidad, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.
3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno ng mga magigiting na Punong Barangay, naisolate na ang bahagi ng mga apektadong barangay/komunidad kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.
*Official data and information content source:
Municipal Health Office
#StaySafe
#TogetherWeBeatCOVID19