CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Cases in Porac on October 12, 2020

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Lunes (October 12, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Isang (1) kababayan natin sa Bgy Sta Cruz ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19.

Samantala, wala tayong naitalang recovery sa araw na ito.
_________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno ni Bgy Captain Hon Ana Reyes, naisolate na ang bahagi ng apektadong barangay kung saan nakatira ang pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 139 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Apatnapu (40) sa mga ito ay active cases samantalang 93 ay nakarecover na at 6 ang nasawi. Sa kabuuang bilang na 139 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto, 57 noong Setyembre at 27 ngayong Oktubre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!