
Covid-19 Cases in Porac on October 14, 2020
Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (October 14, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Limang (5) kababayan natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19. Dalawa (2) sa Bgy Manibaug Paralaya at tatlo (3) sa Bgy Planas.
Samantala, meron tayong naitalang 3 recoveries sa araw na ito. Isa (1) sa Manibaug Paralaya, isa (1) sa Pio (Proper) at isa sa Pio Model Community.
_________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:
1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.
2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.
3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Adrian Carreon (Manibaug Paralaya) at Hon Alfer Nacu (Planas), naisolate na ang mga bahagi ng mga apektadong barangay kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, merong 148 na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Apatnapu’t lima (45) sa mga ito ay active cases samantalang 96 ay nakarecover na at 7 ang nasawi. Sa kabuuang bilang na 148 na kaso, 1 ay nadiskubre noong Marso, 3 noong Abril, 1 noong Mayo, 3 noong Hulyo, 47 noong Agosto, 57 noong Setyembre at 36 ngayong Oktubre.
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.
📷 Porac Covid-19 Updates