
Covid 19 Update as of August 11, 2021 in Porac
Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Miyerkules (August 11, 2021) sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Dalawamput anim (26) na mga kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19!
Malungkot din namin ibalita na dalawa (2) ang nasawi, ang isa (1) ay kabilang sa mga bagong kaso habang ang isa (1) naman ay dati na naming naireport. Kami po ay nakikiramay sa mga pamilyang naulila.
Samantala, anim (6) na mga kabalen natin ang nadagdag sa mga gumaling at nakarecover!
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum public health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig at cough etiquette). Iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante.
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.
*Official data and information content source:
Municipal Health Office
#StaySafe
#TogetherWeBeatCOVID19