CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Update (September 10, 2020)

Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Huwebes (September 10, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Tatlong (3) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID 19. Isa (1) sa Bgy Sta Cruz at dalawa (2) sa Pio Model Community (PMC).

Narito ang resulta ng aming imbestigasyon:

Ang kabalen natin sa Sta Cruz.

August 26, 2020, nagumpisa ang kanyang ubo at sipon. Nagpatuloy ang mga sintomas nyang ito sa mga sumunod na araw.

August 30, 2020, lalong lumala ang kanyang ubo at sipon at nagsimula na din syang mawalan ng pangamoy.

September 2, 2020, sinabihan sya ng kanilang company doctor na maghome quarantine na at pinayuhan din sya na magpaswab test.

September 7, 2020, nagpaRT-PCR swab test sya.

September 9, 2020, lumabas ang resulta ng kanyang test at positibo ito.

Sa kasalukuyan, wala na syang ubo at bumalik na din ang kanyang pangamoy subalit meron pa din syang sipon. Nananatili siyang nakaisolate at naghihintay na lng ng go signal ng probinsya para mailipat sya sa isang designated isolation facility.

Ang mga kabalen naman natin sa PMC.

September 3, 2020, nagsimula silang lagnatin na may kasamang pananakit ng katawan.

September 4, 2020, Nagsimula din silang mawalan ng pangamoy at panlasa.

September 7, 2020, nagpaRT-PCR swab test sila.

September 9, 20220, lumabas ang kanilang resulta at positibo ang mga ito.

Kasalukuyan silang nakaisolate
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay/komunidad, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineerr at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Ana Reyes (Sta Cruz) at Hon Hilario Dimalanta (PMC) , naisolate na ang mga bahagi ng mga apektadong barangay/komunidad kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, meron na tayong animnapu’t siyam (69) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Apatnapu’t isa (41) sa mga ito ay active cases samantalang dalawampu’t anim (26) ay nakarecover na at dalawa (2) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na animnapu’t siyam (69) na kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at labing-apat (14) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!