CONTACT US: + (045) 329-2053 to 649-5200

Covid-19 Update (September 12, 2020)

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Sabado (September 12, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

Tatlong (3) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID 19. Isa (1) sa Bgy Balubad, isa (1) sa Bgy Senora at isa (1) sa Bgy Sta Cruz.

Narito ang resulta ng aming imbestigasyon:

Ang kabalen natin sa Balubad.

August 31, 2020, nagumpisa syang makaranas ng pangangati ng lalamunan.

September 3, 2020, nagkaroon na sya ng sorethroat, ubo at panghihina ng katawan. Dahil dito, nagself-isolate na sya at hindi na pumasok sa kanyang trabaho.

September 9, 2020, dahil sa patuloy pa din ang kanyang mga sintomas, nagpaRT-PCR swab test na sya.

September 11, 2020, lumabas ang resulta ng kanyang test at positibo ito.

Sa kasalukuyan, nakaadmit at nakaisolate sya sa DPMMH.

Ang kabalen natin sa Senora.

August 28, 2020, nagsimula syang lagnatin.

August 29, 2020, Nagsimula na din siya mawalan ng pangamoy at panlasa. Dahil dito, nagself-isolate na sya.

September 9, 2020, nagpaRT-PCR swab test sya.

September 11, 2020, lumabas ang kanyang resulta at positibo ito.

Kasalukuyan syang nakaself-isolate at naghihintay ng go signal ng probinsya para mailipat sya sa isang designated isolation facility sa Clark.

Ang kabalen natin sa Sta Cruz

September 9, 2020, nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang katrabaho. At dahil nakasalamuha nya ito, nagpaswab test sya. Nagsimula na din syang magself-isolate.

September 11, 2020, lumabas ang resulta ng kanyang test at positibo ito.

Kasalukuyan, nakaself-isolate pa din sya at naghihintay na lng ng go signal ng probinsya para mailipat sya sa isang designated isolation facility sa Clark.
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:

1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.

2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineerr at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.

3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Felino Ocampo Jr. (Balubad), Hon Renato Pineda (Senora) at Hon Ana Reyes (Sta Cruz), naisolate na ang mga bahagi ng mga apektadong barangay kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, meron na tayong pitumpu’t dalawa (72) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Apatnapu’t tatlo (43) sa mga ito ay active cases samantalang dalawampu’t pito (27) ay nakarecover na at dalawa (2) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na pitumpu’t dalawang (72) kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at labing-pito (17) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Opening Hours

  • Monday – Friday + 8 AM – 5 PM
  • Saturday and Sunday No Office

Contact


Copyright © 2020. Municipality of Porac, Province of Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!