
Covid-19 Update (September 13, 2020)
Magandang hapon mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Linggo (September 13, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.
Pitong (7) kabalen natin ang nadagdag sa mga nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID 19. Isa (1) sa Bgy Sta Cruz, isa (1) sa Bgy Pio, apat (4) sa Bgy Babo Sacan at isa (1) sa Bgy Pulong Santol.
Narito ang resulta ng aming imbestigasyon:
Ang kabalen natin sa Sta Cruz.
September 9, 2020, nagsimulang sumama ang kanyang pakiramdam (ubo, sipon at pagkahilo).
September 10, 2020, dahil sa hindi pa din mabuti ang kanyang pakiramdam, dinala sya sa isang pribadong ospital sa Angeles City. Kalaunan, naadmit sya at ginawa ang RDT. Positibo ito kung kaya pinayuhan sya ng kanyang doctor na magpaswab test.
September 11, 2020, nagpaRT-PCR swab test sya.
September 12, 2020, lumabas ang resulta ng kanyang test at positibo ito.
Sa kasalukuyan, nakaadmit at nakaisolate pa din sya sa nasabing pribadong ospital
Ang kabalen natin sa Pio.
September 4, 2020, dahil nabasa sya sa ulan, nagkaroon sya ng konting sipon.
September 5, 2020, sa hindi inaasahang pagkakataon, naexpose sya sa isa sa mga nakameeting nya na kalaunay nagpositibo sa virus.
September 6, 2020, nagsimula syang makaranas ng panghihina ng katawan, lagnat at pagtatae. Nagsimula na din syang magself-isolate.
September 7, 2020, nagkaroon na din sya ng ubo
September 10, 2020, nagpaRT-PCR swab test sya.
September 12, 2020, lumabas ang kanyang resulta at positibo ito.
Kasalukuyan na syang nakaadmit at nakaisolate sa isang pampublikong ospital.
Ang mga kabalen natin sa Babo Sacan at Pulong Santol.
Iisa ang source ng kanilang exposure.
September 5, 2020, binisita sila ng kanilang kaanak na galing sa Probinsya ng Rizal.
September 6, 2020, napagalaman ng kanilang kaanak na galing ng Rizal na nagpositibo ang isa pa nilang kamag-anak sa nabanggit na probinsya at close contact sya.
September 7, 2020, ng makabalik na sa Rizal ang kaanak ng mga kabalen natin, nagkaroon na sya ng ubo at lagnat.
September 8, 2020, nagpaswab test ang kanilang kaanak.
September 10, 2020, lumabas ang resulta ng kanilang kaanak at positibo ito.
September 11, 2020, dahil close contacts sila ng kanilang kaanak na nagpositibo sa virus, nagpaswab test na din sila.
September 13, 2020, lumabas ang mga resulta ng kanilang test at positibo ang mga ito.
Kasalukuyan silang nakaself isolate habang naghihintay na lng ng go signal ng probinsya para mailipat sila sa isang designated isolation facility.
__________________________________
NAKAPAGTALA DIN TAYO NG SAMPUNG (10) RECOVERIES. Pito (7) sa Pulong Santol, Isa (1) sa Babo Sacan, isa (1) sa Mancatian at isa (1) sa Manibaug Paralaya.
__________________________________
Mga aksyon na ginawa ng Porac IATF sa pamumuno ng ating Mayor Hon Jaime V. Capil:
1. Verification at contact tracing na ginawa ng MHO at staff.
2. Notification and coordination ng MHO sa mga leaders ng LGU (Local Chief Executive, SB Coun on Health, Barangay Captains ng mga apektadong barangay, sa PNP, DILG, BOFP, MPDO, MDRRMO, MSWDO, Mun Engineer at iba pang miyembro ng Porac IATF), higher health offices (PHO-PESU, DOH-RESU) at iba pang stakeholders patungkol sa mga kasong ito.
3. Sa pakikipagtulungan ng Porac IATF at mga barangay officials/BHERTs sa pamumuno nina Bgy Captains Hon Ana Reyes. (Sta Cruz), Hon Hilario Dimalanta (Pio), Hon Walter Manuel (Babo Sacan) at Hon Elmer Laxa (Pulong Santol), naisolate na ang mga bahagi ng mga apektadong barangay kung saan nakatira ang mga pasyente alinsunod sa mga panuntunan ng “localized containment strategy” na binalangkas ng DILG.
___________________________________
Sa kabuuan, meron na tayong pitumpu’t siyam (79) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Apatnapu (40) sa mga ito ay active cases samantalang tatlumpu’t pito (37) ay nakarecover na at dalawa (2) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na pitumpu’t siyam (79) na kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at dalawampu’t apat (24) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:
HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.
IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.
MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.
Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .
Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.
📷 Porac Covid-19 Updates