Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Covid-19 Update (September 14, 2020)

Magandang gabi mga kabalen! Narito ang aming update sa inyo ngayong Lunes (September 14, 2020), sa sitwasyon ng Bayan ng Porac sa usapin sa COVID-19.

WALANG naitalang kabalen ang nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa reporting period sa araw na ito!

NAKAPAGTALA TAYO NG ANIM (6) RECOVERIES. Apat (4) sa Manibaug Paralaya, Isa (1) sa Pulong Santol at isa (1) sa Jalung.
___________________________________
Sa kabuuan, meron tayong pitumpu’t siyam (79) na nagpositibo sa virus na sanhi ng COVID-19 sa Bayan ng Porac. Tatlumpu’t apat (34) sa mga ito ay active cases samantalang apatnapu’t tatlo (43) ay nakarecover na at dalawa (2) ang nasawi. Sa kabuuang bilang na pitumpu’t siyam (79) na kaso, isa (1) ay nadiskubre noong Marso, tatlo (3) noong Abril, isa (1) noong Mayo, tatlo (3) noong Hulyo, apatnapu’t pito (47) noong Agosto at dalawampu’t apat (24) ngayong Setyembre.
____________________________________
MGA PAALALA:

HUWAG tayong magdiscriminate. IWASAN natin magbitaw ng masasakit na salita sa mga pasyente at kanilang mga pamilya, kamaganak at kabarangay.

IWASAN din ang pagkalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon.

MANALANGIN tayo na sana gumaling na ang ating mga kabalen at hindi mahawa ng virus ang kanilang mga household contacts at lahat ng kanilang nakasalamuha.

Maging MAINGAT! Iobserve natin lagi ang social/physical distancing at iba pang minimum health standards (pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, cough etiquette at iwasang lumabas ng bahay kung hindi naman importante) .

Inaasahan namin ang kooperasyon ng lahat. Maraming salamat.

📷 Porac Covid-19 Updates

Official Website of Municipality of Porac