DOCTOR SA BUNDOK SOON
Sa pagtutulungan ng Our Lady of Fatima University, sa pangunguna ni President Dra. Caroline Enriquez, at ng Lokal na Pamahalaan ng Porac, naisakatuparan ang paggawad ng full scholarship sa ating Aeta Registered Medical Technologist na si Rolan Popatco para sa kanyang pag-aaral sa medisina. Isang napakahalagang hakbang ito tungo sa ating pangarap na magkaroon ng sariling doktor ang ating komunidad sa kabundukan.
Malugod naming binabati si Rolan sa tagumpay na ito—nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa marami pang kabataang nangangarap.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa OLFU sa kanilang malasakit at patuloy na pakikiisa bilang katuwang ng ating lokal na pamahalaan sa mga programang pang-edukasyon at sa komunidad.
#VMJenC
#MayorJVC
#MasBayungPorac
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1TZbUzrzLe/