DRRM Summit: Gabay sa Kaligtasan
Setyembre 26, 2024
Pinangunahan ni Mayor Jing Capil ang matagumpay na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit, katuwang ang Chief of Staff ng Alkalde, Ms. Jen Capil, Vice Mayor Francis “Budoy” Tamayo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan—Konsehal Joy David, Konsehal Jovy Venzon, Konsehal RC Canlapan, at Konsehal Papay Carreon, kasama si EA IV Jun Simbillo. Ipinakilala rin si Ms. Zhay Tolentino Sunga bilang bagong miyembro ng Team Bayung Porac.
Kasama sa mga barangay na dumalo sa summit ang Pulong Santol, San Jose Mitla, Mitla Proper, at Hacienda Dolores.
Sa talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng kahandaan sa oras ng sakuna, na nagsisimula sa bawat tahanan. Ayon kay Mayor Capil, ang pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa ay susi sa pagkamit ng isang ligtas at matatag na hinaharap para sa bayan ng Porac.
READ MORE: https://www.facebook.com/share/p/PZDvV8z6qNUUCRXb/