Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

DRRM Summit: Gabay sa Kaligtasan!

Setyembre 23, 2024
Pinangunahan ni Mayor Jing Capil ang matagumpay na Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Summit, katuwang ang Mayor’s Chief of Staff na si Ms. Jen Capil, Pangalawang Punong Bayan Francis “Budoy” Tamayo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Joy David, Konsehal Jovy Venzon, Konsehal RC Canlapan, Konsehal Papay Carreon, kasama rin si EA IV Jun Simbillo.

Ang mga barangay na natutukan sa summit at nabigyan ng gabay pangkaligtasan ay ang Barangay Manibaug Pasig at Barangay Babo Pangulo.

Sa nasabing summit, binigyang-diin ang mahalagang papel ng kahandaan sa oras ng sakuna, na nagsisimula sa bawat tahanan. Ayon kay Mayor Capil, napakahalaga ng maagap at epektibong mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad at tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng buong komunidad. Ang pagtutulungan at pagkakaisa ay susi sa isang ligtas at matatag na hinaharap para sa bayan ng Porac.

Official Website of Municipality of Porac