Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Dumalo si Mayor Jaime “Jing” Capil kasama ang ibang mga Local Chief Executives sa PhilHealth YAKAP Province-Wide Orientation for Local Chief Executives (LCEs)

Dumalo si Mayor Jaime “Jing” Capil kasama ang ibang mga Local Chief Executives sa PhilHealth YAKAP Province-Wide Orientation for Local Chief Executives (LCEs), isang mahalagang pagtitipon na naglalayong palakasin ang ugnayan ng local governments at PhilHealth sa pagsusulong ng mas accessible, responsive, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino.
 
Tinalakay sa orientation ang mga pangunahing layunin at benepisyo ng PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan at Pag-alaga), na nakatuon sa pagpapalakas ng preventive at primary healthcare services para sa mga komunidad.
 
Nakiisa rin sa programa sina Robert C. Padron, Chief Social Insurance Officer ng Local Health Insurance Office – Angeles City, at Ma’am Ruby M. Vitug, Acting Branch Manager ng PhilHealth Regional Office III-A.
 
Sa temang “Bridging Governance and Healthcare: Building Healthy Communities Together,” binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at PhilHealth upang higit na mailapit sa mamamayan ang serbisyong pangkalusugan.
Official Website of Municipality of Porac