Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Dumalo si Vice Mayor Jen Capil sa Plant Launching ng Union Insulated Panels Corporation (UIPC) sa Manibaug Pasig, Porac, Pampanga

October 20, 2026 | Tuesday
Dumalo si Vice Mayor Jen Capil sa Plant Launching ng Union Insulated Panels Corporation (UIPC) sa Manibaug Pasig, Porac, Pampanga, bilang bahagi ng patuloy na pag-unlad ng industriya at pagpapalawak ng mga oportunidad sa pamumuhunan sa bayan ng Porac.
Pinangunahan ang makasaysayang okasyong ito ng mga opisyal ng PHINMA at Union Insulated Panels Corporation, kabilang sina Danielle Del Rosario, President and CEO; Ramon Del Rosario, Chairman and CEO ng PHINMA; at Victor Del Rosario, Chairman ng Union Insulated Panels Corporation.
Ang pagbubukas ng bagong planta ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, paglikha ng mga oportunidad sa trabaho, at patuloy na pag-unlad ng Porac bilang isang progresibong bayan.
 
 
Official Website of Municipality of Porac