
Emergency meeting ang Local IATF upang talakayin ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 dito sa ating bayan
Nagkaroon ng emergency meeting ang Local IATF upang talakayin ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 dito sa ating bayan.
Sa pangunguna ni Mayor Jaime ‘Jing’ V. Capil kasama ang lahat ng Departamento, mga Punong Barangay at iba’t ibang sektor ng Porac.
Pinagusapan dito ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga barangay at Pulisya sa pagmo-monitor at pagpapatupad ng mga health at safety protocols gaya ng pagbabawal sa mga di awtorisadong pagtitipon.
Binigyan ding diin ang pagbabawal na lumabas sa mga may edad na 18 pababa at 65 pataas, buntis, may immunodeficiency at comorbidity; gayundin ang paghihigpit ng mga checkpoints at curfew hours.