Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Enero 19, 2026 (Lunes) | Flag Ceremony

Inulit ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil ang kanyang panawagan para sa de-kalidad na serbisyo publiko mula sa lahat ng tanggapan ng munisipyo, na binigyang-diin na ang mga kawani ng gobyerno ay dapat maging nakikita, responsable, at transparent sa paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng mga opisina na may malinaw na glass window and door.

Binigyang-diin din ng Mayor ang kanyang hangarin na magkaroon ng 100% drug-free workplace sa lahat ng tanggapan ng munisipyo.
Sa parehong programa, iginawad ng PWD Office ang Certificate of Appreciation kay Vice Mayor Jen Capil bilang pagkilala sa kanyang dedikadong programa at inisyatiba para sa mga Persons with Disabilities (PWDs), partikular sa adbokasiya at suporta para sa Autism.

#MayorJingCapil
#VMjenC
#BayungPorac

Click here: https://www.facebook.com/share/p/17wQTU6D3z/

Official Website of Municipality of Porac