FLAG CEREMONY | SEPTEMBER 21, 2026
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Porac ang regular na Flag Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Porac ngayong Setyembre 21, 2026.
Sa seremonya, taos-pusong nagpasalamat sina Mayor Jaime “Jing” V. Capil at Vice Mayor Jen Capil sa natanggap na pagkilala para sa Seal of Child-Friendly Local Governance, isang patunay ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan na maisulong ang kapakanan, proteksyon, at mga karapatan ng mga kabataan sa ating komunidad.
Samantala, pormal ding ipinakilala ang bagong Municipal Accounting Officer na si Ms. Kris Thea Bugnay, na malugod na tinanggap ng buong Pamahalaang Bayan.
PAGBATI SA ISANG NATATANGING KABATAAN NG PORAC!
Ipinagmamalaki rin ng Pamahalaang Bayan ang tagumpay ni Mary Louize P. Carbungco, isang Grade 9 student ng Philippine Science High School – Central Luzon Campus, matapos makamit ang mga sumusunod na parangal sa International Life Science Olympiad (ILSO) 2026 na ginanap sa Bali, Indonesia:
Isang kahanga-hangang tagumpay na nagbibigay karangalan hindi lamang sa kanyang paaralan at pamilya, kundi maging sa Porac at sa buong Pilipinas.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1CDBfiMM6q/