Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

FLAG RAISING CEREMONY| 3, 2026

FLAG RAISING CEREMONY| 3, 2026
Ngayong unang Lunes ng Agosto, idinaos ang Flag Raising Ceremony sa lobby ng New Municipal Hall bunsod ng patuloy na pag-ulan. Pinangunahan ng Municipal Budget Office ang naturang programa na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Porac.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Acting Municipal Mayor Trisha Angelie “Jen” G. Capil ang kahalagahan ng pag-iingat ng bawat isa, lalo na sa gitna ng masamang panahon. Hinikayat niya ang lahat na maging mapagmatyag, unahin ang kaligtasan, at patuloy na gampanan ang tungkulin nang may malasakit at pananagutan sa paglilingkod sa mamamayan.

Sa kabila ng hamon ng panahon, nananatiling matatag at nagkakaisa ang Pamahalaang Bayan ng Porac sa patuloy na paghahatid ng mahusay at tapat na serbisyo publiko.

Official Website of Municipality of Porac