FLAG RAISING CEREMONY – July 6, 2026
Pinangunahan ng Persons with Disability (PWD) Sector ang isinagawang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan bilang pagdiriwang ng National Disability Rights Month.
Sa isinagawang programa, ibinahagi ni Acting Mayor Jen Capil ang mahahalagang update at mga prayoridad na programa ng lokal na pamahalaan, kabilang ang panukalang pagsasagawa ng mental health assessment para sa mga kabataan at ang pagpapaigting ng Responsible Parenting Program sa mga paaralan upang higit pang mapalawak ang serbisyong pangkalusugang pangkaisipan sa Bayan ng Porac.
Binigyang-diin din ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sports sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga pasilidad at pagtatatag ng mga mini library para sa edukasyon ng mga kabataan.
Inilunsad ng MHO at MASO ang temang Nutrisyon at Kalikasan ating pangalagaan bilang pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo, babalangkas din ng mga programang pangkalusugan para sa mga kawani ng munisipyo na magbibigay-diin sa wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa mga Poraqueño.
Tinalakay rin ang patuloy na pagpapatupad ng Drug-Free Workplace Program, gayundin ang paalala sa lahat na maging mapagmatyag at handa sa posibleng epekto ng Super Typhoon Bavi.
Sa parehong programa, mainit ding tinanggap ng Pamahalaang Bayan si dating Konsehal Joy David bilang bagong Public Employment Service Office (PESO) Manager, na inaasahang higit pang magpapalakas sa paghahatid ng mga programa at serbisyong pangkabuhayan para sa ating mga kababayan.
Dumalo rin ang Social Security System (SSS) Angeles Branch, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga benepisyo, programa, at serbisyong maaaring mapakinabangan ng mga miyembro ng SSS. Layunin nitong higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga kawani at mamamayan tungkol sa mga benepisyong nakalaan para sa kanila.
Bilang bahagi ng People’s Day, personal ding tinugunan ni Acting Mayor Jen Capil ang mga hinaing, kahilingan, at iba pang pangangailangan ng mga Poraqueñong lumapit sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang maagap at angkop na pagtugon sa kanilang mga suliranin.
Patuloy nating pagtibayin ang pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon sa pagbibigay ng mahusay, inklusibo, at makataong serbisyo publiko para sa ikauunlad ng ating bayan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1AR5EAzVkA/









