Flag Raising Ceremony/ People’s Day
Isinagawa ang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office, kung saan inilahad ng tanggapan ang kanilang mga pangunahing programa, inisyatiba, at accomplishment report para sa responsive, inclusive, at people-centered na paghahatid ng serbisyo para sa mamamayang Poracqueño.
Dinaluhan ang gawain nina Acting Mayor Hon. JEN CAPIL, Acting Vice Mayor Hon. Rafael Canlapan, mga Miyembro ng Ika-12 Sangguniang Bayan, kasama ang mga kawani ng pamahalaang bayan at mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week, kinilala ang mga Solo Parents sa komunidad. Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang kinatawan ng sektor sa patuloy na suporta at mga benepisyong kanilang natatanggap mula sa pamahalaang lokal, na malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Acting Municipal Mayor Hon. Trisha Angelie Capil ang mga programang matagumpay na naisagawa ng munisipyo noong nakaraang linggo. Kanyang hinikayat ang patuloy na pagsuporta at pakikilahok sa mga programa tulad ng gaganapin na Youth Summer Workshop at Youth Sports Clinic para mabigyang oportunidad ang kabataan para hubugin ang kanilang kakayahan at talento. Binigyang-diin din niya na ang mga inisyatibong ito ay mahalaga sa paghahanda ng susunod na henerasyon ng mga Poracqueño.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18YPUF1UWP/







