Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

Happy Labor Day!


Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga manggagawang Poraqueño ngayong dakilang ‘Araw ng mga Manggagawa.”
Sa kabila po ng krisis na dulot pa rin ng pandemya, ang aking mga kasamahang naglilingkod sa inyo sa lokal na pamahalaan ay hindi magsasawa at titigil sa pagtatrabaho at pagbibigay serbisyo upang kahit papaano’y maibsan ang lungkot at hirap na ating kinakaharap.
Alam kong marami po sa aking mga cabaleng Poraqueño ang natigil at nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan. Ngunit sa kabila nito ako ay umaasa na bubuti ang ating kalagayan at may nakaambang magandang bukas pa rin para sa lahat.
Ang inyong walang humpay na suporta at kooperasyon ang susi sa ating tagumpay laban sa pandemya. Malalagpasan po natin ito.
Mabuhay ang lahat ng manggagawang Poraqueño!
Patuloy po nating isulong ang adhikain ng BAYUNG PORAC!
Mayor Jaime ‘Jing’ V. Capil

Official Website of Municipality of Porac