Health & Wellness Caravan for FATHERS, TODA & JODA DRIVERS
Sa pagdiriwang ng Men’s Health Month at Father’s Day, binibigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang ating mga ama—ang matatag na haligi ng tahanan—at ang ating mga masisipag na TODA at JODA drivers na araw-araw na nagsisilbi sa komunidad. Kayo ay malugod naming inaanyayahan na makilahok at magparehistro sa Health & Wellness Caravan for Fathers, TODA & JODA Drivers 2026, bilang pagkilala sa inyong mahalagang papel sa pamilya at lipunan at bilang suporta sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan at kagalingan ng kalalakihan sa ating komunidad.
Petsa: June 27, 2026 (Sabado)
Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
Lugar: Convention Hall, New Municipal Hall
PRE-REGISTRATION REQUIRED para sa mga sumusunod na serbisyo:
• Laboratory Tests
• X-Ray
• ECG (Electrocardiogram)
FIRST COME, FIRST SERVED SERVICES:
• Eye Check-Up (may libreng reading glasses at prescribed eyeglasses base sa assessment)
• Urine Dipstick Test
• Transrectal Ultrasound (TRUS)
• Dental Services (Tooth Extraction, Cleaning, at Fluoridation)
• HIV Testing and Counseling
• Free Medicines
• Manicure
• Pedicure
• Foot Spa
• Massage
• Haircut
Magparehistro sa link na ito:
https://forms.gle/uaiLEZFxj2Gdytmj8
PAALALA: Hanggang Huwebes, 12:00 NN lamang tatanggap ng mga sagot sa registration form.
Hinihikayat namin ang lahat ng mga ama, TODA at JODA drivers na samantalahin ang mga libreng serbisyong pangkalusugan na inihandog para sa inyo. Ang inyong kalusugan ay mahalaga—maglaan ng oras para sa inyong sarili upang manatiling malusog, matatag, at handang patuloy na maglingkod sa inyong pamilya at komunidad.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18jbvuDUnr/


