Skip to main content

CONTACT US: + (045) 649 – 6027

INDIGENOUS PEOPLES MONTH CELEBRATION AND IPRA COMMEMORATION

Dumalo at nakibahagi sina Mayor Jaime “Jing” Capil at Vice Mayor Jen Capil, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month Celebration and IPRA Commemoration na ginanap sa Covered Court ng Diaz, Porac, Pampanga.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Jing Capil ang mahalagang papel ng mga katutubo (IPs) sa pag-unlad ng bayan ng Porac. Binigyang-diin niya na ang tunay na progreso ay hindi lamang dapat maramdaman sa kapatagan, kundi maging sa mga pamayanang matatagpuan sa kabundukan.
Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang hangaring patuloy na mapabuti ang kalagayan ng mga katutubong komunidad, kabilang ang pagpapaunlad ng mga kalsada at pagsesemento ng mga daan upang mas mapadali ang kanilang paglalakbay at transportasyon.
Sa ilalim ng pamamahalang Bayung Porac, patuloy na isinusulong ang inklusibong kaunlaran, isang pag-unlad na walang naiiwan at nagbibigay-halaga sa kultura, karapatan, at kapakanan ng bawat Poraqueño, lalo na ng ating mga katutubo.
 
 
Official Website of Municipality of Porac