INSPEKSYON PARA SA PORAC–ANGELES BYPASS ROAD PROJECT
Pinangunahan ni Mayor Jaime “Jing” V. Capil, kasama si Coun. Adrian “Papay” Carreon, ang inspeksyon sa alignment ng planong Porac–Angeles Bypass Road Project, katuwang sina Municipal Engineer Engr. Glenn Lansangan, DPWH 2nd District Engineer Magelan Arcega, at mga kinatawan ng Robinsons Land Corporation (RLC).
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng alternatibong ruta na mag-uugnay sa Porac at Angeles City (Porac to Angeles) sa pamamagitan ng SCTEX, gayundin ang magsilbing diversion road para sa mga truck at iba pang mabibigat na sasakyan.
Inaasahang makatutulong ito sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada, pagpapabilis ng biyahe, at pagpapahusay ng konektibidad sa pagitan ng mga karatig-lugar.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Porac ang mga proyektong pang-imprastraktura na naglalayong mapabuti ang transportasyon, mapalawak ang mga alternatibong ruta, at maisulong ang mas maayos, episyente, at ligtas na paglalakbay para sa mga Porequeño at mga mamamayan ng karatig-lugar.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1ER5xMuPFc/